Aabot na sa 40.5 million pesos ang ipinagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mahigit 5,000 indigents na nangangailangan ng tulong medikal.
Umabot sa 10,765,753 pesos ang naipamahagi sa National Capital Region;
Ayon sa PCSO, kabilang sa mga natulungan ang mga taga-Northern at Central Luzon, na aabot sa 11.8 million pesos ang halaga ng medical assistance; Metro Manila, 10.7 million pesos at 9.4 million pesos sa Bicol Region.
Tiniyak naman ng PCSO ang patuloy na pagtulong sa mga nangangailangan ng medical assistance.
Malaking bahagi ng kinikita ng ahensya mula sa kanilang lotto games ay ginagamit bilang pondo ng Medical Access Program (MAP) kaya’t hinikayat ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Mel Robles ang publiko na tangkilikin pa ang kanilang mga palaro. —sa panulat ni Hannah Oledan