Dapat nang isulong ang mga long term solution sa gitna ng pinsalang dinudulot ng tumatamang mga kalamidad sa bansa.
Ito, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, ay dahil hindi naman pwedeng laging tayong maging pro-active na lang pagdating sa Disaster Management, lalo’t kung buhay ang nalalagay sa panganib.
Kailangan anyang i-streamline ang sistema ng pagresponde at mapalakas ang National Authority upang maging epektibo ang koordinasyon ng national at local personnel pagdating sa Disaster Preparedness at Mitigation.
Idinagdag ni Zubiri na kokonsultahin nila ang National Disaster Risk Reduction Management Council at mga lokal na pamahalaan para masuri ang recovery roadmap.
Sa pagbabalik anya ng sesyon sa Lunes, isasaalang-alang ng Senado sa pagtalakay sa 2023 National Budget ang kailangang pondo upang maka-recover ang mga lugar na pininsala ng Bagyong Paeng. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)