Itinanggi ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang ulat na nanganganib umanong hindi mag-hire ang mga International Shipping Agencies, na kabilang sa European Union, ng mga Filipino seafarer.
Ipinaliwanag ni Bautista na hindi naman nabigo ang Pilipinas sa isinagawang audit ng European Maritime Safety Agency (EMSA) sa Training Program and at Accreditation System ng bansa para sa seafarers..
Sa katunayan ay patuloy anyang nagha-hire ng mga Pinoy mga International Shipping Agencies, kabilang ang mga naka-base sa E.U. Member States.
Ayon sa Kalihim, isinagawa ng EMSA ang audit para sa pagtalima ng bansa sa 1978 International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers noong 2020.
Ang EMSA ang ahensyang nakatutok upang mabawasan ang maritime accidents, marine pollution mula sa mga barko at pagkalagas ng mga buhay sa karagatan sa pamamagitan nang pagpapatupad ng mga batas ng E.U.
Maaari namang malagay sa alanganin ang trabaho ng nasa 50,000 Pinoy seafarers na nasa European Shipping Companies kung mabibigong tumalima sa requirements ng nasabing ahensya.
Sa kasalukuyan, mahigit 600 Filipino seamen ang nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo.