Sinimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbubukas ng mga bagong health facilities sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Pinangunahan ni Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire ang Ribbon Cutting Ceremony kasama ang mga lokal na opisyal ng ahensya maging ang Alkalde ng lungsod.
Ayon kay Vergeire, malaki ang maitutulong ng mga bagong pasilidad para sa abot-kamay na serbisyong medikal sa mga residente ng rehiyon.
Layunin ng DOH na magkaroon ng maayos na kondisyon ang mga COVID-19 vaccines at mahikayat ang mamamayan na magpabakuna kung saan, prayoridad na mabakunahan ang mga senior citizen at may mga karamdaman laban sa COVID-19.
Batay sa datos ng ahensya, mahigit 70,899,000 ang nakatanggap ng first dose habang 73,549,000 naman ang nakatanggap ng second dose o complete dose.