Isinusulong ng Philippine Amalgated Supermakets Association (PAG-ASA) na alisin ang Suggested Retail Price (SRP) sa basic at prime commodities para hayaang mangibabaw ang kumpetisyon at market forces.
Kinontra naman ito ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil ayon sa kagawaran, ay mayroong batas na nag-o-otorisa sa SRP.
Ayon naman kay Trade Asssitant Secretary Ann Claire Cabochan, malaki ang silbi ng SRP lalo na sa mga lugar nasa ilalim ng state of calamity na may price freeze dahil mas madali aniya itong maipatutupad kung mayroong SRP.
Para naman sa ilang consumer, hindi dapat alisin ang SRP dahil maaaring mas tumaas pa ang presyo ng mga basic goods, partikular na ang mga pangmasa na produkto.
Nagbabadya namang tumaas ang SRP ng ilang mga produkto kung aaprubahan ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang hirit ng ilang manufacturers na dagdag presyo dahil na rin sa pagtaas ng ilang raw materials at gastos sa negosyo. —sa panulat ni Hannah Oledan