Itinuturing ng World Wide Fund for Nature – Philippines (WWF) na isang “ironic” ang mga problema na kinakaharap ng bansa pagdating sa pagkain.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni WWF Project Manager Melody Melo-Rijk na nakararanas ang Pilipinas ng food insecurity at food loss and waste na hindi naiiba sa sitwasyon ng ibang bansa.
Dito po sa Pilipinas hindi po tayo naiiba lalo na sa setting ng urban setting wherein nakikita po natin yung access at yung trend kapag ikaw ay nakakabili ng pagkain ikaw ay most likely nakakapag-aksaya ng pagkain, yan po yung trend na nakikita natin even several researches, studies would really say that as to when yung ating capacity to buy gives us more capacity to waste…”
Sang-ayon din si Rijk na base sa isang survey ay mahigit tatlong milyong pamilyang Pilipino ang hindi nakakakain.
Samantala, binigyang diin ni Rijk na kung makagagawa ng tamang paraan ang bansa ay tiyak na mapipigilan ang parehong problema ng pag-aaksaya ng pagkain at food insecurity.
sa WWF mayroon po kaming tatlong strategies na ini-employ kapag pinag-uusapan ang fod loss and waste , in 8 years na lang kasi diba po 2030 dapat ma-achieve na natin yung mga goals natin yung sustainable development goals so sa Pilipinas, una po natin talagang ginagawa ay pinag-uusapan po natin yung food loss and waste is to reduce a scarce so mayroon po talaga tayong mga dapat gawin sa mga bahay natin, mga businesses, sa ating supply chain at value chain sa pagkain, na hindi po tayo mag-aaksaya ng pagkain in the first place…
Ang tinig ni WWF Project Manager Melody Melo-Rijk sa panayam ng DWIZ