Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng kanilang kawani at opisyal na maging responsable sa paggamit ng social media.
Batay ito sa DepEd Order No. 49 series of 2022 na nilagdaan ni Vice President at education secretary Sara Duterte-Carpio na pinag-iingat ang mga empleyado sa pagbabahagi ng post sa social media lalo na kung ito ay maling impormasyon.
Ipinagbabawal din sa mga tauhan ng kagawaran ang mag-post online ng mga paninira laban sa kapwa-empleyado ng DepEd sa halip ay dapat idaan ito sa legal na proseso.
Pinaiiwas naman ni Vice President Duterte ang mga nasabing kawani na makipag-relasyon, makipagkwentuhan o pag-follow sa social media sa mga mag-aaral sa labas ng paaralan.