Paiigtingin pa ng Office of the Vice President’s Disaster Operations Center (OVP-DOC) ang mga relief operations sa mga lugar na apektado ng Bagyong Paeng.
Nabatid na nakipagtulungan ang OVP-DOC sa Philippine Coast Guard (PCG) at mga Local Government Units upang maghatid ng mga sako-sakong bigas, reliefs goods, bottled water at damit para sa mga apektadong lugar sa Cavite, Maguindanao, Antique, Leyte, Zamboanga City at Cotabato City.
Nakiisa rin sa relief operations ang mga boluntaryo mula sa Inday Sara Duterte Ako (ISDA).
Samantala, iniulat ng Bacoor City Social Welfare and Development Office na may higit 99,000 pamilya ang naapektuhan ng bagyo. —sa panulat ni Jenn Patrolla