Wala nang makakapigil sa pagtatayo ng kauna-unahang under ground mass transit ng bansa na Metro Manila Subway Project.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) secretary Jaime Bautista, itinuturing ‘Golden Age of Infrastructure’ ang naturang proyekto sa ilalim ng “Build Better More’’.
Tiniyak ni Bautista na giginhawa ang biyahe ng mga pasahero kapag natapos na ang mga istasyon sa Quezon Avenue, East Avenue, Anonas, at Camp Aguinaldo.
Dahil dito, higit na 6,000 direct at indirect jobs ang inaasahan na mabubuksan para sa mga Pilipino.
Samantala, kayang mag-accommodate ang higit kalahating milyong commuters kada araw sa naturang subway. —sa panulat ni Jenn Patrolla