Tumaas sa 18,085 ang aktibong kaso ng COVID-19 virus sa buong bansa.
Batay sa ulat ng Department of Health (DOH) 776 ang bagong kaso kaya’t pumalo na sa 4,0007,318 ang kabuuang caseload.
Mababatid na nananatili ang National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso nitong nakaraang dalawang linggo na may higit 3,000, sinundan naman ng CALABARZON na may 2,000 at mahigit 1,000 sa Western Visayas.
Umakyat ang recovery tally sa 3,925,022 habang 64,211 ang nasawi. —sa panulat ni Jenn Patrolla