Inanunsyo ng Manila Public Information Office (PIO) hinggil sa pagsasara ng ilang mga kalsada sa San Beda at De La Salle University dahil sa gaganapin na bar examinations sa Nobyembre 9, 13, 16 at 20.
Sa abiso magkakaroon ng traffic Re-routing Scheme sa mga kalsada sa paligid ng nasabing dalawang unibersidad.
Isasarang kalsada ang mga sumusunod:
- Mendiola Street
- Concepcion Aguila Street
- 1st, 2nd, 3rd, at 4th street
Alternatibong ruta naman ang Ramon Magsaysay Boulevard patungong Legarda Street.
Samantala, sarado rin sa paligid ng De La Salle University
- Taft Avenue Northbound at Southbound
Kaya naman, asahan na ang matinding traffic sa lugar. —sa panulat ni Jenn Patrolla