Nagbalik-loob sa pamahalaan ang anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Pikit, North Cotabato.
Ayon kay 90th Infantry Battalion commander Lt. Col. Rommel Mundala, ang mga surrenderers ay pawang mga miyembro ng BIFF-Karialan faction na kumikilos sa boundary ng North Cotabato at Maguindanao.
Kasama ring isinuko ng mga ito ang limang matataas na uri ng baril, isang homemade mortar weapon na may kasamang launchpad, at dalawang improvised explosive devices.
Nabatid na sumuko ang mga dating rebelde sa Advance Command Post ng Phil. Army sa Barangay Ladtingan sa tulong ng mga lokal na opisyal.