Inihayag ng Office of the Press Secretary o OPS na tuloy-tuloy ang diwa ng bayanihan at pagtutulungan ng mga Pilipino matapos manalasa ang bagyong Paeng.
Isa sa mga tumugon sa bayanihan ay ang Kamara nang magbigay ng agarang tulong sa libo-libong pamilyang nasalanta ng bagyo.
Lumitaw sa datos mula sa Office of the House Speaker na P49.2 milyon na cash donations at pledges ang nalikom ng Kongreso.
Maliban dito, aabot din sa P26 milyon na halaga ng food items, blankets at toiletries ang inilaan ng Kamara para sa mga apektado ng kalamidad.