Pagpapaganda ng buhay ng mga Pilipino.
Ito ayon sa SMFI o SM Foundation Incorporated ang pangunahing layunin ng kanilang #collabforsocialgoodinitiative sa pamamagitan ng mga magagandang programa sa edukasyon, health and wellness, sustainable agriculture at disaster response.
Naging susi ang nasabing hakbangin para makipag-partner ang SMFI sa iba’t ibang sangay sa gobyerno at mga pribadong grupo para maabot ang mas marami pang Pilipino mula sa grassroot communities.
:NCSDS (National Conference on Social Development and Sustainability)
Sa pamamagitan nang pagsuporta sa NCSDS o National Conference on Social Development and Sustainability, layon ng SMFI na makipag-sanib-puwersa sa UPLB sa ilalim ng collab for social good program—na mapag-isa ang mga pangunahing stakeholders sa buong bansa para tutukan ang mga pinakamagagaling na hakbangin kaugnay sa social development at social good innovations na nakasandig sa collaboration at partnerships.
Layunin ng nasabing event na maisulong ang practical strategies, makabuo ng mga magagaling na solusyon at mai-promote ang innovative social technologies bilang tugon sa mga hamon ng kahirapan at hindi pagkakapantay.
:SM Prime x UPLB: Scholarship Grant for Sustainability Related Courses:
Bukas ang scholarship program tig-limang estudyante ng UPLB mula sa college of human ecology at college of forestry and natural resources na kapwa naka-focus sa development ng ecologically stable communities, environment resource utilization and management na kahalintulad ng sustainability at isa sa mga itinuturing na major pillars ng SM Prime.
:SMFI x UPLB beta sigma x UPLB:
>> Battle Royale IX collab for social good:
Itinampok sa battle royale MMA event ang siyam na laban at 18 atleta mula sa iba’t ibang lugar at weight classes mula sa Metro Manila, Calabarzon at Region 2.
Ang anumang nakuhang kita mula sa nasabing event ay ginugol sa taunang charity na tinaguriang “operation big brother”na naglalayong pasayahin ang less privileged children partikular ang mga street children sa Los Baños, Laguna.
Nakapagpamahagi rin ang SMFI at UP sa stranded 1,200 dormitory residents sa loob ng UPLB dahil sa ECQ nuong 2020 ng relief packs na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, toiletries at iba pang hygienic supplies.
:Support for UPLB and Los Baños frontliners:
Bilang paninindigan sa commitment na maipalaganap ang social good, tagumpay ang SM foundation incorporated katuwang ang UNIQCLO Philippines sa pag-abot sa frontliners ng University of the Philippines-Los Baños sa huling quarter ng 2021.
Sa tulong ng UPLB College of Human Ecology at UP Beta Sigma Fraternity, nakapagbigay ang SMFI ng 500 UNIQCLO dry T-shirts at 2,000 disposable masks sa UPLB professors, frontliners at UPLB medical team.
Ang nasabing social good collaboration ay kasabay na rin nang pagpapagaan sa COVID-19 restrictions kabilang ang go signal para sa limited face-to-face classes.
Bukod dito, ang naturang hakbangin ay nagdala ng kasiyahan sa mga matatapang na frontliners sa academe na patuloy ang pag-aalay ng kanilang buhay para labanan ang mga hamong dala ng COVID-19 pandemic.
:Support for marginalized mothers
Katuwang naman ang Watsons at Nivea, nakapagbigay ang SMFI ng Nivea creams sa mga kababaihan at mga nanay mula sa grassroot communities sa Los Baños, kung saan ka-partner din ang UPLB sigma beta.
:Collab for social good: SMFI and up system
Dahil sa kanilang partnership sa UNIQCLO Philippines, ang SM Foundation Incorporated ay nakapagpamahagi ng UNIQCLO airism facemasks at t-shirts sa frontlines sa UP Diliman at UP Baguio sa pamamagitan nang pakikipag-isa sa UP beta sigma fraternity bukod pa sa COVID-19 PPEs at medical equipment para sa PGH.
Samantala, nakiisa rin ang SMFI sa ST e-talks kung saan ibinahagi nito ang pinakamagagaling na paraan sa pamamagitan ng impact communications at development communications sa mga estudyante, sa academe at social development practitioners.