Alam niyo ba ang sintomas ng panic attack?
Ang panic attack ay isang pakiramdam ng biglaan at matinding pagkabalisa, maari ring magkaroon ng mga pisikal na sintomas kabilang ang panginginig, hindi regular na tibok ng puso at tuyong bibig.
Ilan sa mga sintomas nito ay ang:
- kabog sa dibdib,
- pinapawisan ang kamay,
- nanginginig,
- parang hindi makahinga,
- barado ang lalamunan,
- sumisikip ang dibdib,
- makulo ang tiyan,
- nahihilo,
- nawawalan ng kontrol sa sarili,
- manhid ang kamay at paa,
- nanlalamig o umiinit ang katawan.
Ayon sa eksperto, huwag mag-alala dahil kadalasan ay walang seryosong sakit ang panic attack. —sa panulat ni Jenn Patrolla