Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na namamahagi ang ahensya ng cash aid sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Paeng.
Ito’y sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na nakasaad sa Memorandum Circular no. 16 series of 2022.
Ayon sa DSWD, kinakailangan lamang magpresenta ng dokumento at valid Identification Card na katunayan na sila ay naapektuhan ng bagyo.
Samantala, nilinaw naman ng ahensya na ang mga biktima ng bagyo o iba pang kalamidad na walang maipakitang kaukulang dokumento ay kailangan lamang may maibigay na Barangay Certification o Justification mula sa DSWD Social Welfare Office.
Ito’y kasunod ng ilang reklamong natatanggap ng kagawaran kaugnay sa distribusyon ng ayuda.