Karagdagang 1,010 Covid-19 cases ang naitala sa bansa kahapon.
Ito na ang ikalawang sunod na araw na bumalik sa mahigit isanlibong karagdagang kaso ng Covid-19 ang naitatala ng Department of Health.
Dahil dito, umabot na sa 4,009,466 ang total case load kabilang ang 3,928,577 recoveries.
Pinaka-marami sa mga bagong infections o 198 ay mula sa Metro Manila.
Karagdagang 34 deaths din ang naitala ng DOH kaya’t sumirit sa 64,274 ang fatalities.
Samantala, sumadsad pa sa 16,615 ang active cases, ang pinaka-mababa simula noong July 14.