Sinuspindi ngayong araw ang klase ng isang paaralan sa lungsod ng Taguig dahil sa isang bomb threat.
Ayon kay Police Colonel Robert Baesa, hepe ng Taguig City Police, isang dummy account ang nag-comment sa Facebook live ng Signal Village National High School kung saan nagbanta ito na papatayin niya ang lahat ng estudyante katulad ng nangyari sa Thailand.
Sinabi pa ni Baesa na agad naman silang nagpadala ng mga pulis at bomb squad sa lugar para masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Kaugnay nito, pinauwi muna ang mga estudyante at guro sa nasabing eskwelahan.
Nakipag ugnayan na rin sila sa PNP Cybercrime para matukoy ang pagkakakilanlan ng tao na nasa likod ng pananakot.