Hinikayat ni Congressman Lray Villafuerte ang mga ambassador ng bansa na pag-aralan ang mga magagandang programa ng kani-kanilang host country na maaaring magawa sa bansa.
Tinukoy ni Villafuerte kay Ambassador Joseph Gerard Bacani Angeles ang Zero Hunger Program ng Brazil na maaaring i-adapt ng Marcos Administration para maisulong ang food security.
Ayon pa kay Villafuerte, CA Majority Floor Leader, maaari namang tutukan ni Ambassador Jaime Victor Badillo Ledda ang e-governance system ng Belgium upang mapaganda ang e-government bill na tinatalakay ng kongreso.
Isa si Villafuerte sa mga mambabatas na nagsusulong na magkaruon ng e-government system sa bansa upang mapabilis ang government transactions.