Nanumpa na bilang bagong Undersecretary ng Department of Health si dating PNP chief, Ret. Gen. Camilo Cascolan.
Mismong kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire nanumpa si Cascolan, kahapon.
Gayunman, aminado ang DOH na hindi pa mabatid kung anong assignment ang ibibigay sa dating hepe ng Pambansang Pulisya.
Si Cascolan ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang isa sa Undersecretary ng Kagawaran ng Kalusugan sa kabila ng mga batikos sa kaniyang appointment.
Iginiit ng ilang grupo na isang insulto sa hanay ng mga medical professional ang pagkakatalaga kay Cascolan.
Pero nilinaw ng Pangulo na hindi kailangan maging doktor ang itatalagang Undersecretary ng DOH, bagkus sapat na ang pagkakaroon ng background sa public administration dahil hindi naman kalusugan ang tututukan ng retiradong heneral.