Target ng Department of Education (DepEd) na maabot ang isandaang porsyentong implementasyon ng full face-to-face classes sa Zamboanga Peninsula sa November 15.
Ayon kay DepEd regional director Ruth Fuentes, nakaraang taon ng Nobyembre pa lamang nagsagawa na ng limited face-to-face classes ang 65% ng mga paaralan sa naturang lugar.
Nalinis na rin aniya ang mga paaralan na ginamit bilang evacuation centers kaya’t sisimulan na ang klase sa susunod na linggo.
Samantala, hindi na nahirapan ang DepEd sa transition lalo na sa pagpapatupad ng psychosocial at physical activities.—mula sa panulat ni Jenn Patrolla