Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na layunin ng DepEd Order No. 49 na ma-depoliticize o maalis ang “Padrino” system sa kagawaran at mai-promote ang professionalism sa mga paaralan.
Ito ay sa gitna ng mga natatanggap na reaksyon o hindi pagsang-ayon ng ilang grupo.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni Education Spokesperson Attorney Michael Poa na hindi bago sa ahensya ang palakasan pero nais nila aniya itong wakasan.
Binigyang-diin naman ni Poa ang Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards na nakatuon sa pagiging propesyonalismo ng mga guro.