Ipinag-utos na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagproseso sa precautionary hold departure order laban sa mga suspek sa pagpatay sa brodkaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Ayon kay Remulla, layon ng kautusan na mapigilan ang paglabas sa bansa ng mga akusado.
Sinabi naman ni Remulla na hindi na kailangang magpalabas ng Immigration Lookout Bulletin dahil opisyal ng gobyerno ang ilang suspek sa kaso.
Kinabibilangan ito ng dating Bureau of Corrections Director na si Gerald Bantag at Senior Superintendent Ricardo Zulueta.
Samantala, nanawagan naman si Remulla kay Bantag at Zulueta na makipagtulungan sa ginagawang preliminary imbestigation ng DOJ kaugnay sa mga isinampang reklamo laban sa kanila. —sa ulat ni Bert Mozo (Patrol 3)