Iminungkahi ng isang pediatric organization ang patuloy na pagsusuot ng face mask ng mga bata sa loob ng paaralan upang mabawasan ang tyansa ng hawaan ng COVID-19.
Paliwanag ni Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) President Dr. Fatima Gimenez, ito’y dahil ang mga bata edad apat pababa ay hindi pa pinapayagang magpaturok ng bakuna laban sa nasabing virus.
Sa kasalukuyan, maaari lamang aniya na pabakunahan ng primary series ng COVID-19 vaccine ang mga edad lima pataas habang maaari namang makatanggap ng first booster shot ang batang labing-dalawang taong gulang pataas.
Matatandaang naglabas ang Department of Education (DepEd) ng Department Order No. 48 na nagpapahintulot sa opsyonal na pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor spaces ng paaralan.