Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais niyang isailalim sa Office of the President (OP) ang National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC).
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos itong bumisita sa Taclocan City kasabay ng ika-siyam na taong anibersaryo ng pagtama ng bagyong Yolanda sa lungsod.
Ayon kay Pangulong Marcos, mas magiging tutok ang pagtugon ng pamahalaan sa tuwing may kalamidad sa bansa kung nasa ilalim ito ng tanggapan ng pangulo.
Sa ganitong paraan, ayon sa presidente, mas mapapabilis ang paghahatid ng tulong at pagsasaayos ng mga nasirang imprastraktura at pagkilos ng mga lokal na pamahalaan.
Samantala, isiniwalat din ng Pangulong Marcos na masama pa rin ang loob niya hanggang ngayon sa nangyaring trahedyang dala ng super typhoon Yolanda noong 2013.
Sa kaparehong event, naging emosyonal si Marcos at muling kinuwestyon kung bakit ipinatigil noon ng administrasyong aquino ang pagbibilang ng mga nasawi sa nasabing lalawigan. - sa ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13).