Inaasahang papalo na sa 8 billion sa katapusan ng Nobyembre ang bilang ng populasyon sa buong mundo.
Ayon sa population division ng united nations, 3 beses na mataas ang datos kumpara sa 2.5 billion na global headcount noong 1950.
Gayunman bumagsak sa 1% ang annual growth rate noong 2020, mula sa 2.1 % na naitala sa pagitan ng 1962 at 1965.
Ang China pa rin ang may pinakamalaking populasyon na 1.426 billion, sinundan ng India na may 1.417 billion.