Posibleng magtaas ang pamasahe sa MRT-3 ilang taon mula ngayon kung isasa-pribado ang operasyon nito.
Ayon sa Department of Transportation, layunin ng planong privatization ng operations at maintenance na isaayos ang serbisyo ng MRT-3.
Inihayag ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez na kabilang ito sa tinitingnan nilang opsyon bunsod nang napipintong pagtatapos ng build-lease-transfer contract ng MRT-3 sa taong 2025.
Gayunman, gobyerno pa rin naman anya ang magmamay-ari ng nasabing rail transit system at daraan pa sa konsultasyon bago maisakatuparan ang planong privatization.
Batay sa datos ng dotr, mas malaki ang ginagastos ng gobyerno kaysa kinikita nito sa pagpapatakbo ng MRT-3.
Aabot sa P9-B ang operational at maintenance costs kada taon ng MRT-3 sa nakalipas na 22 taon o simula pa noong taong 2000.
Pero nasa P1.7-B lamang ang annual revenue mula sa fare collection o 19% lamang ng annual expenses kaya’t lumalabas na nalulugi ang pamahalaan sa pag-o-operate ng MRT-3.