Nilinaw ng Southern Police District na hindi pa maituturing na “case closed” ang ginawang pagpatay sa batikang radio brodkaster-commentator na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid.
Ito’y matapos sampahan ng kaso ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na itinuturong sangkot sa pagpatay kay ka-Percy at sa pagkasawi ng ‘middleman’ na si Jun Villamor.
Kasama rin sa sinampahan sina Bureau of Corrections (BuCor) deputy security officer Ricardo Zulueta at suspended BuCor chief Gerald Bantag.
Ayon kay Southern Police District Dir. Brig. Gen. Kirby John Kraft, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng kanilang mga tauhan hinggil sa naturang usapin.