Patay ang anim na indibidwal matapos ang magnitude 6.6 na lindol na tumama sa Nepal.
Ayon sa mga opisyal ng Doti, limang iba pa ang nasugatan habang walong bahay ang gumuho matapos ang malakas na pagyanig.
Una nang sinabi ng European-Mediterranean Seismological Center (EMSC) na naitala nito ang magnitude 5.6 na lindol, at may lalim na 10 kilometro.
Natukoy ng EMSC ang sentro nito sa layong 158 kilometers hilagang-silangan ng siyudad ng Pilibhit.
Samantala, naramdaman din ang pagyanig sa New Delhi, India at kalapit nitong mga lugar.