Nadagdagan pa ng isa ang bilang ng nasawi sa Pilipinas matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng.
Batay sa huling update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa 159 ang nasawi sa bansa dahil sa bagyo, habang 30 ang nawawala at 147 ang nasugatan.
Umabot naman sa 1.3 milyong pamilya ang naapektuhan ng bagyo o katumbas ng halos 5,000 indibidwal na nagmula sa halos 10,000 barangay.
Sa ngayon, nananatili pa rin sa evacuation centers ang higit 10,000 pamilya habang higit 215 pamilya ang nanunuluyan sa labas ng evacuation centers.