Bineberipika na ng mga otoridad ang hinihinalang rocket debris na natagpuan ng mga mangingisda sa Occidental Mindoro.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), sa karagatan ng Calintaan, Occidental Mindoro nakita ang mga debris.
Nananatili namang blangko ang pinanggalingan ng mga kalat na may kulay dilaw at pulang background, na tila bandila ng China.
Wala namang naitalang nasugatan o nasawi dahil sa debris na hawak na ngayon ng mga otoridad.
Patuloy naman ang abiso ng Philippine Space Agency sa publiko na mag-ingat lalo’t kakalunsad pa lang noong October 31 ng Long March 5B ng China. —sa ulat ni Ron Lozano (Ronda Patrol)