Dumipensa ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) matapos pagmultahin ng Energy Regulatory Commissiom sa hindi umano pangongontrata ng reserbang kuryente alinsunod sa utos ng Department of Energy.
Ayon sa NGCP, maituturing na biased at may halong pulitika ang akusasyon ng ERC.
Iginiit naman ng nabanggit na tanggapan na ang ginagawang ito ng ERC ay patuloy na pang-gigipit sa kanila upang mapaboran ang kanilang economic interest.
Samantala, wi-nelcome ng ngcp ang bagong liderato kasabay ng pag-asam na mas mapabuti ang ugnayan sa iba pang ahensya tulad ng sa DOE.