Nagpapatuloy ang pagbuhos ng mga nakikiramay sa mga naulila ni Janice Pontillas, ang gurong nasawi sa pagkahulog ng sinasakyang bus sa Orani, Bataan.
Kabilang sa mga dumalaw sa burol ni Pontillas sa violago Homes Payatas si Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo, Quezon City habang kahapon dumating din si Councilor Candy Medina.
Ayon sa mga opisyal ng barangay Payatas, plano ng pamliyang ilibing ang biktima sa Lunes, Nobyembre 14, isang araw matapos umano ang anibersaryo nilang mag-asawa.
Samantala, nilinaw ng Orani Municipal Police na nakasalalay pa rin sa pamilya ni Teacher Janice ang pasya kung kakasuhan o hindi ang driver ng naaksidenteng bus.