Bumaba ang pwesto ng ilang kilalang Unibersidad sa Pilipinas (UP) sa pinakabagong asian university rankings ng higher education information analyst na Quacquarelli Symonds.
Patuloy na nangunguna sa bansa ang UP na nasa ika-87 pwesto sa QS Asia University rankings 2023, kung saan mababa ito ng sampung puwesto mula sa dati nitong ranking.
Bumaba rin ang ranggo ng Ateneo De Manila University na nasa ika-134 na pwesto, gayundin ang De La Salle University na nasa 171st spot ngayon mula sa 160th place noong nakaraang taon.
Naksama rin sa ranking ang Ateneo De Davao University (551-600), Mapua University (551-600), Silliman University (551-600), Mindanao State University – Iligan Institute of Technology (601-650); at Saint Louis University (651-700);
Gayundin ang Xavier University (651-700); Adamson University (701-750); the cebu Technological University (701-750); Central Luzon State University (701-750); Central Mindanao University (701-750); Central Philippine University (701-750) at Lyceum University of the Philippines (701-750).
Nabatid na kabilang sa ika-15 edisyon ng QS World University rankings asia ang nasa 757 institusyon sa rehiyon.