Bumagsak ang bahagi ng rocket ng China sa katubigan ng Busuanga, Palawan.
Ito ang kinumpirma ng Philippine Space Agency (PHILSA).
Mababatid na Oktubre pa lamang ng unang mag-abiso ang PHILSA hinggil sa mga maaaring drop zones ng debris ng Long March 5B o Mengtian Module Rocket Launch.
Samantala, muling nanawagan ang PHILSA sa publiko na agad ipaalam sa mga otoridad ang mga makikitang debris ng rocket at pinag-iingat nito ang publiko sa paglapit at paghawak sa mga bahagi nito. -sa panulat ni Hannah Oledan