Malaki ang tiyansang galing sa Chinese Long March 5-B rocket ang nakitang debris sa karagatan ng Calintaan, Occidental Mindoro kahapon.
Ito ang sinabi ng Philippine Space Agency (PhilSA) matapos ilang residente sa lugar ang nakakita ng debris na palutang-lutang sa tubig.
Ayon sa PhilSA, batay sa lapit na pinagbagsakan at mga larawan ng debris at masasabing piraso ito ng rocket ng China.
Una rito, sinabi ng Space Agency ng Pilipinas na posibleng bumagsak sa layong 72 kilometro ang debris ng Chinese rocket mula sa Bajo De Masinloc, at 39 na kilometro mula sa Busuanga, Palawan. —sa ulat ni Ron lozano (Ronda Patrol)