Nanawagan sa mga lider ng bansa ang isang climate change activists kasabay ng paglala ng init na panahong nararanasan sa buong mundo.
Sa panayam ng DWIZ kay Alab Mirasol Ayroso, Convenor at National Coordinator ng Youth Advocates for Climate Action Philippines, ini-apela nito na tigilan na ang paggamit ng fossil fuel gaya ng coal at gas para sa enerhiya.
Humiling din ito ng karagdagang pondo na gagamitin naman sa adaptation to climate change.
Nitong linggo, isinagawa sa Egypt ang UN Climate Summit.
Dito pinag-usapan kung paano makakasabay ang mga bansa sa pabago-bagong lagay ng panahon.
Sinabi naman ni Ayroso na ang Pilipinas ang bansang may pinakamalalang epekto ng climate change na tinatamaan ng malalakas na bagyo at landslide.