Namataan ng mga umaakyat sa Mount Apo ang isang endangered alpha male Philippine long-tailed macaque o kilala bilang Macaca Fascicularis Philippensis.
Ayon sa Sta. Cruz Tourism, partikular na nakita ang endangered animal sa boulder face ng Mount Apo, patungong bayan ng Sta. Cruz sa Davao Del Sur.
Ikinokonsiderang endangered ang nasabing hayop na bawal hawakan, pakainin at saktan.
Nagpaalala naman ang Department of Environment and Natural Resources sa Davao sa mga umaakyat ng bundok na huwag galawin ang nasabing endangered species.