Lumago pa ang ekonomiya ng bansa sa third quarter ng 2022.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ang Gross Domestic Product (GDP) sa 7.6% kumpara sa 7.5% na naitala sa second quarter ng taong ito.
Kabilang sa main contributors o nag-ambag sa GDP ang services at industry sector gayundin ang agriculture, forestry at fishing sector.
Samantala, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Arsenio Balisacan na pumapangalawa ang GDP ng Pilipinas sa Asean region ngayong third quarter ng 2022.