Tumaas pa ang mga kaso ng waterborne infectious disease, influenza, leptospirosis at dengue disease (WILD) ngayong taon.
Sa datos ng Department of Health – Center for Health Development, mahigit 200% ang itinaas ng acute bloody diarrhea, hepatitis A, at typhoid fever habang 80% naman ang acute viral hepatitis mula noong Enero hanggang Nobyembre a-singko, na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Nasa 152%o naman ang itinaas sa kaso ng dengue, 53% sa leptospirosis, at 34% sa influenza-like illnesses.
Dahil dito, pinaigting pa ng DOH-Calabarzon ang kampanya nito laban sa ‘WILD’ diseases sa rehiyon sa pamamgitan ng pagbibigay ng impormasyon, pamimigay ng kagamitan at gamot sa mga naturang sakit.