Kung ang Pilipinas ay handang-handa sa ikalawang sigwada ng pagdinig sa Arbitral Tribunal hinggil sa gusot sa West Philippine Sea, ang China naman ay hindi sumipot sa hearing at muling nanindigang hindi makikiisa rito.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hong Lei, malinaw ang kanilang posisyon sa kaso at iyon ay ang hindi pakikiisa at pagtanggap sa naturang arbitration.
Ang pahayag ay ginawa ng China matapos ilatag ng pilIPinas sa tribunal ang merito nito sa reklamo laban sa claims ng mga Tsino.
By Jelbert Perdez | Allan Francisco