Tinanggal na ng World Boxing Council (WBC) sa kanilang official ranking list ang mga boksingero ng Russia at Belarus.
Ito’y kasunod ng paglusob ng Russia sa Ukraine.
Nagkasundo si President Mauricio Sulaiman at ang Board of Governors ng WBC na tuluyang tanggaling ang mga ito sa ranking list.