Nalampasan na ng Pilipinas ang pinakamalalang kaso ng COVID-19 OMICRON Subvariants na BA.4 at BA.5.
Dahil dito, sinabi ni Infectious Disease Specialist Dr. Rontgene Solante na bumababa na ang mga kaso ng COVID-19.
Paliwanag niya, ito ay dahil nag-develop ang population immunity mula sa mga na-impeksyon kaya’t mayroon ng antibody ang mga ito laban sa BA.5.
Nabatid na sinabi ng octa research group na bumaba sa 7.8% ang positivity rate sa NCR nitong November 7 mula sa 9.5% noong October 31, 2022.