Magtatalaga ng mga diver ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-MIMAROPA) sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro.
Kaugnay ito sa nakuhang hinihinalang rocket debris na umano’y pag-aari ng China at natagpuan sa baybayin ng Barangay Poblacion.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Regional Director Elizer Salilig ng BFAR-MIMAROPA, na ang hakbang ay upang makakuha ng samples at malaman ang uri ng nabanggit na debris.
Partikular din aniya kung mayroon itong kasamang toxin o wala.
Umaasa naman si Salilig na walang maapektuhang yamang dagat sa naturang insidente.
Exactly tama,para titingnan natin kung ang mga coral reefs ba ay tinamaan ng sobra o wala, kung ito ba ay may kasamang toxin, so kukuha tayo ng sample sir kasi hindi natin mapapatunayan, kung ang sabi nga nila, sabi sa mga ating lokal fisherman na mayroon daw may kasamang flag ng ating katabing bansa”.
Ang tinig ni BFAR-MIMAROPA Regional Director Elizer Salilig, sa panayam ng DWIZ