Dahil sa kawalan ng performance o walang magandang nagagawa, piso lang umano ang dapat ang ibigay na budget sa Optical Media Board (OMB) para sa taong 2023.
Ito ang inihayag ni Senator Jinggoy Estrada makaraang igiit na batay sa kanilang pagsasaliksik ay lumitaw na zero performance ang namumuno sa OMB na si Jeremy Marquez.
Ayon kay Estrada, sa nakalipas na isang taon ay walang koleksyon, walang naaaresto na mga violator ang OMB.
Ito, anya, ang dahilan kaya’t ipapanakula niya sa budget deliberation sa plenaryo sa susunod na linggo na bigyan ng pisong budget ang OMB.
Binigyang-diin ng mambabatas na bago naupo si Marquez bilang hepe ng OMB ay nakakolekta ang ahensya ng P560,000 noong 2018; P1.8 million noong 2019; P350,000 noong 2020 at P2.3 million noong 2021 sa administrative penalties. –Mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)