Bahagyang umakyat sa 16,526 ang aktibong kaso ng covid-19 kahapon kumpara sa 15,989 noong Miyerkules.
Ito’y makaraang makapagtala muli ng karagdagang 1,267 ang Department of Health, dahilan upang lumobo sa 4,14 0,000 ang total caseload.
Dalawampung porsyento ng pinaka-bagong kaso o 283 ay mula sa Metro Manila.
Samantala, pito ang nadagdag sa fatalities kaya’t sumampa sa 64,329 ang death toll habang umabot na sa 3,933,000 ang recoveries.