Pinalawig pa nang tatlumpung taon ang subsidized na singil sa kuryente sa mga customer na mababa ang konsumo o tinatawag na lifeline rates.
Ito’Y makaraang lagdaan ng Department of Energy at Social Welfare and Development ang implementing rules and regulations ng Republic Act 11552, na nag-amyenda sa R.A. 9136 o “Electric Power Industry Reform Act of 2001” na kilala bilang epira.
Kabilang sa mga makikinabang sa extended lifeline subsidy ang mga kwalipikadong marginalized electricity end-users, partikular ang mga benepisyaryo ng 4ps program o mga kumokonsumo ng hindi lalagpas ng 100 kilowatt per hour.
Pinangunahan naman ng Energy Regulatory Commission ang ceremonial signing sa tanggapan nito sa Pasig City habang pinapurihan din ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta ang inter-agency team na bumalangkas ng i.r.r.
Sa panig naman ng DSWD, tiniyak ni Undersecretary for Special Concerns Vilma Cabrera ang tulong para sa maayos na implementasyon ng rules and regulations at tukuyin ang mga kwalipikadong benepisyaryo.
Nakasaad sa Section 1 ng RA 11552, na nag-amyenda sa Section 73 ng epira na sinusugan ng RA 10150, ang 20-year period ay pinalawig ng limampung taon.
Nangangahulugan ito na patuloy na makikinabang ang marginalized electricity end-users sa subsidiya sa ilalim ng lifeline program.