Umaasa ang aktor at komediyanteng si Vhong Navarro na personal niyang makakapiling ang kaniyang pamilya sa araw ng Pasko.
Naniniwala ang kampo ni Vhong na makakapagpiyansa ang aktor kaugnay sa kinakaharap na kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.
Sa pahayag ng abogado ng aktor na si Atty. Alma Mallonga, natapos na ang pagdinig sa petisyon ni Vhong na pinayagang dumalo sa pamamagitan ng video conferencing.
Kasama ang abogado, dumating din sa pagdinig si Cornejo na agad namang isinailalim sa cross examination ni Mallonga.
Gayunman, tiniyak ni Mallonga na nasa mabuting kalagayan si Navarro na kasalukuyang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) Detention Center.