Tututukan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang problema sa under-employment at job quality sa bansa.
Ito’y matapos aminin ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na nabahala sila sa mga ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) at labor force survey sa estado ng mga manggagawa.
Batay sa mga resulta ng survey ng PSA noong Setyembre, ang kalidad ng mga trabaho ay lumala habang ang bilang ng mga underemployed ay tumaas sa 7.33 million noong sa nasabing panahon kumpara sa 7 million noong Agosto.
Ayon kay Laguesma, kabilang sa kanilang plano ay magpatupad ng school-to-work transition, gawing simple ang employment rules at mas accessible ang labor market.
Kasama rin anya sa tinututukan ng DOLE at Technical Educational and Skills Development Authority (TESDA) ang pagtugon sa mga bakanteng trabaho dahil sa hard-to-fill, in-demand at iba pang bagong usbong na trabaho. – sa panulat ni Hannah Oledan