Hindi dadalo nang personal si Russian President Vladimir Putin sa isang pagtitipon ng mga pinuno mula sa group of 20 sa Bali, Indonesia sa susunod na linggo.
Sa halip si Russian Foreign Minister Sergey Lavrov ang kakatawan dito.
Sinabi ni Yulia Tomskaya, Chief of Protocol ng Russian Embassy sa Indonesia na pinag-iisipan pa ni Putin kung dadalo ito virtually.
Gayunman, ang desisyon ni Putin na hindi dumalo nang personal ay magliligtas dito na ma-kompronta ng mga pinuno ng naturang summit kaugnay sa pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Ang G20 ay binubuo ng 19 na bansa at ng European Union (EU) kung saan ang mga ito ay nagtitipon-tipon upang pag-usapan ang mga krisis na kinahaharap sa ekonomiya.